Breaking

Saturday, February 2, 2019

PANOORIN: Pagdadausan ng SEA Games sa Nobyembre, 50% complete!

Imahe mula sa PhilStar at BCDA Group

Isa sa pinakamalaking proyekto ng administrasyon ni Pangulong Duterte ang New Clark City sa Pampanga, na kung saan idaraos ang 30th Southeast Asian Games na opisyal na magbubukas sa Nobyembre 2019. 

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, na isang avid basketball player na layunin ay mabigyan ng makabuluhan parte ang Gilas Pilipinas, na national basketball team natin para makasali sa Asian Games. 



“These facilities are long overdue. Kaya binabalik lang po ni Pangulong Duterte ang dapat sa inyo,” saad ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa 150 na atletha na kalahok sa SEA Games. 

Ayon sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA), sa mga  darating na buwan mula ng mag-ground breaking sila noong Enero, ay puspusan ang kanilang pagtatrabaho para matapos kaagad ang 'world-class facility' para sa mga Pilipinong athleta.



“This proves that government is true to its promise of building quality infrastructure within set deadlines,” ayon kay BCDA President and CEO Vivencio Dizon.

Tingnan ang development ng New Clark City:



Ang sakop ng Phase 1 na may 200-hectarya ay ang National Administrative Administrative Center na kung saan nandoon ang mga opisina ng iba't-ibang ahensya ng gobyerno at doon din maaaring pumunta ang mga tao sa oras ng kalamidad. 


Imahe mula sa PhilNews

Imahe mula sa PhilNews
Ang Phase 1A naman ay doon itatayo ang world-class Athletics Stadium, Aquatics Center, tirahan ng libo-libong athleta na makakatulong din sa mga empleyado ng gobyerno sa mga darating na taon. Sa pagtatapos ng 2019, makikita natin na kompleto at fully operational na ang National Government Administrative Center.




Imahe mula sa BCDA Group

Imahe mula sa BCDA Group

Imahe mula sa BCDA Group
Sa Phase 1B ay matatagpuan ang mga government building, mga bahay at iba't-ibang facilities na magsisimula ang pagtatayo sa 2020.




Ang sentro ng gobyerno sa New Clark City ay bahagi ng plano ni Pangulong Duterte na i-decongest ang Metro Manila at ilagay ang mga state offices sa Pampanga.

Ang ganitong paglipat ay mag-uudyok din sa paglago ng ekonomiya sa mga rehiyon habang ang gobyerno ay patuloy na nagpapaunlad ng mga lugar sa labas ng Maynila.




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: BCDA.gov.ph

No comments:

Post a Comment