Breaking

Sunday, February 10, 2019

PANOORIN: SUV driver, inatake sa puso kaya nakabangga ng isa pang SUV

Driver ng SUV, inatake sa puso kaya nakabangga ng isa pang SUV sa may Quezon City. Imahe screenshot mula sa GMA News
Hindi mo aakalain na ang driver ng isang SUV na nakabangga sa isa pang SUV sa may Quezon City ay inatake sa puso habang nagmamaneho kaya nabangga niya ang likuran ng isa pang SUV.

Sa ulat ng GMA News, tila normal na banggaan lamang ang pnagkakaguluhan ng mga tao na nakapagdulot ng trapiko sa kalsada. Lumabas pa nga kaagad ang driver ng nabanggang SUV, ngunit ang driver ng SUV na nakabangga ay hindi lumalabas ng kotse.



Pilit kinakatok ng mga concerned citizen ang driver dahil sa walang malay nila ito nakita at paminsan-minsan daw ay hinahabol ang hininga. Noong una ay nag-aalangan ang mga tao na basagin ang bintana ng SUV. Kaya naman minartilyo na ng katabing gasoline station ang bintana ng SUV dahil sa hindi pa din magising ang driver nito at isa na itong 'emergency case' dahil na sa kalagayan ng driver.

Noong nabuksan na ang kotse, ay pilit na ginising ang driver ngunit walang sagot silang natanggap mula dito.



Doon na pinagtulungan ng mga concerned citizen na buhatin ang driver na walang malay, at hindi na hinintay pa ang ambulansiya at isinakay na sa mobile ng mga pulis dahil sa naging tindi ng trapiko na idinulot ng insidente.

Kinumpirma ng mga doctor na 'dead on arrival' ang driver dahil sa inatake ito sa puso.

Hindi nakilala ang driver, at ayon sa Philippine Statistics Authority mahigit 74,000 ang nasawi noong 2016 dahil sa "ischemic heart disease" o ang pagkitid at pagbaba ng mga artheries o daluyan ng dugo patungo sa puso.






What can you say about this? 

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. 

For more news and viral updates, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by and reading this post. 

Daily Pilipinas Source: GMA News

No comments:

Post a Comment