Breaking

Monday, February 25, 2019

PNoy sa selebrasyon ng People Power: "Iboto ang Otso Diretso, hindi umano kawayan, na kung saan ang hangin , doon muna."

Dating Pangulong Noynoy Aquino III, inendorso ang Otso Diretso sa Senatorial election. Imahe mula sa Rappler
Pinangunahan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang selebrasyon noong Sabado ng People Power Monument na kung saan ay dinaluhan ito ng mga senatorial bets ng Otso Diretso.

Ayon kay dating Pangulong Noynoy, iboto ang Otso Diretso dahil kung mananalo umano ang mga kandidato na ineendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mangangahulugan itong dinadala ng Pangulo sa tamang direksiyon ang bansa.

Kabilang sa dumalo sa selebrasyon ng People Power sina Erin TaƱada, Samira Gutoc, Gary Alejano, Chel Diokno, Florin Hilbay, Romulo Macalintal at Sen. Bam Aquino habang hindi nakapunta sina Mar Roxas at Vice President Leni Robredo.

Sinabi din ni Noynoy, na ang kaniyang mga ineendorso na kandidato ay hindi umano kawayan na kung saan ang ihip ng hangin, ay doon sila. 

“Ito hong mga ‘to hindi ho kawayan: ‘Uy, dito ang ihip, dito muna tayo. Uy, nandoon naman, doon naman tayo’,” ayon kay Noynoy. 

Pinaringgan niya din ang mga kandidato ng administrasyon na kapag nanalo daw ay sobrang kahihiyan sa bansa. 
What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source:  Abante

No comments:

Post a Comment