Breaking

Wednesday, February 20, 2019

Sara Duterte at Leni Robredo, magbabanggaan sa Presidential race 2022?

Davao City Mayor Sara Duterte at Vice President Leni Robredo for President sa 2022? Imahe mula sa Philippine Star at Politiko

Usap-usapan sa social media ang umano'y maaring pagtakbo sa pagkapangulo ng Presidential daughter na si Sara Duterte at ngayo'y Bise presidente na si Leni Robredo sa darating na National Election 2022.

Sa isang interview, tinanong si Sara Duterte kung may interes ba ito na kumandidato sa pagkapangulo at ito ang kanyang sagot:



“Yung pagtakbo kasi ng Presidente, hindi yan overnight na desisyon. It needs money, machinery, and importante sa lahat is yung wisdom and guidance ng Diyos dahil magiging mahirap yan kung hindi para sayo yan at magiging madali lang yan kung intended ng Diyos para sayo.”

Sa kabilang dako naman, nang tanungin din si Leni Robredo kung handa ba itong maging katunggali si Sara Duterte kung tumakbo din ito sa pangkapangulo, ay ito ang kanyang sinagot:



“Iyong sa akin lang, magiging masama para sa akin kung ang iisipin ko 2022, kasi ang dami kong ginagawa bilang Pangalawang Pangulo. Mayroon akong Angat Buhay, Hindi ko na mapupuntahan iyong mga adopted communities namin, kasi iyong mga adopted communities namin, kadalasan ito iyong farthest, ang dami ditong hindi botante. Ito iyong mga kulang ng political awareness, pero nangangailangan ng tulong. Kapag ang iniisip ko na iyong pagkakandidato ko, tapos na itong lahat. Parang mawawala iyong Angat Buhay”

Dagdag ni Leni, naniniwala aniya siya na ang pagiging pangulo ay destiny

“Iyong pagiging pangulo, destiny iyon. Iyong kasaysayan natin, nagpapakita na hindi ito napapaghandaan. Maraming nagbalak, pero kapag para sa iyo ito, magiging sa iyo; kapag hindi talaga ito para sa iyo, kahit ano’ng gawin mo, hindi sa iyo ibibigay.”




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Inquirer

No comments:

Post a Comment