Breaking

Tuesday, February 19, 2019

Senador Bam Aquino, pinuri si Pangulong Duterte sa pagpapatakbo ng maliliit na negosyo sa bansa

Senador Bam Aquino, approve  si Pangulong Duterte sa layunin para sa may maliit na negosyo. Imahe mula sa PhilStar

Sa Harapan 2019 noong Linggo, tinanong si Senador Bam Aquino kung ano ang pinaka-nagustuhan niya sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

Si re-electionist Senador Bam Aquino ay kasama sa oposisyon na Otso Diretso at sumulat ng Republic Act 10644 o Go Negosyo Act na naglalayon na magkaroon ng "Negosyo Centers" para supportahan ang mga maliliit na negosyo sa bawat lugar sa Pilipinas. 

"Sa mga SME po, sa mga small and medium enterprises, mas maganda 'yung pagpapatakbo ngayon," ayon kay Senador Bam Aquino. 

Si Aquino ay isa din negosyante at dating youth leader. 

Noong taon 2017, sinimulan ni Pangulong Duterte ang pagkakaroon ng P1-billion pondo para mapautang ang mga may maliliit na negosyo, para maiwasan na mabaon sa utang ang mga Filipino laban sa mga nagpapa5-6.

Ayon naman kay Philippine Chamber of Commerce and Industry president George Barcelon,  pinuri niya din ang administrasyon Duterte sa pagbibigay pansin sa mga SME.

“Finally, we have a president who understands the needs of the MSMEs, which is financing,” ayon kay Barcelona. 
What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment