Breaking

Thursday, February 28, 2019

Senador Manny Pacquiao, minsan ng inalok ng P400M na suhol para sumapi sa Partido Liberal

Senador Manny Pacquiao, sinuhulan noong panahon ni Noynoy Aquino para sumapi sa Partido Liberal. Imahe mula sa Rappler

Ibinunyag ni Department of Agriculture Sec. Manny Piñol na minsan ay sinuhulan si Senador Manny Pacquiao ng partido Liberal para kumpleto sa kanilang Senatorial slate noong taon 2012.

Ayon kay Piñol, kinumpirma itong impormasyon na ito ng dating legal counsel ni Pacquiao na si Franklin “Jeng” Gacal dahil minsan din daw ay niyaya siyang sumama sa oposisyon kapag nakumbinse niyang sumapi sa kanila si Pacquiao. 


"Una P300-M ang offer sa akin tapos ayusin daw nila ang kaso ko sa BIR (Bureau of Internal Revenue). Noong sinabi ko ayaw ko, tinaas ng P400-M."

Ang P400M na alok ng partido kay Pacquiao ay para maging pondo nito sa pangangampanya. 

"Alam mo naman si Manny, maski anak ng mahirap 'yan, hindi mo kayang silawin ng pera yan. Talagang may prinsipyo yan,"ayon kay Gacal.


Sa post ni Bobi Tiglao, hindi lamang in-offer ni Mar Roxas si Manny Pacquio ng P400 million para sumali lang si Manny sa Liberal Party.

Nangako rin si Mar na tutulungan ng administrasyon ni Noynoy Aquino si Manny para ma-settle ang P1 billion tax problem nito. Nang sagutin siya ni Manny ng "Sanay akong matulog sa semento, secretary", namula raw si Mar, at pagalit na umalis, sabay sabi sa kanyang alalay na "Akala ko ba, nakausap na ito?"



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: PhilStar

No comments:

Post a Comment