Breaking

Saturday, February 23, 2019

Senator Manny Pacquiao, imbes na magalit kay Karen Davila ito ang mensahe niya: "I was never offended by her manner of questioning, LET US STOP THE HATE. Magtrabaho lang po tayo."

Senador Manny Pacquiao, imbes na magalit kay Karen Davila. May mensahe sa mga netizens. Imahe mula sa PhilNews at Inquirer

Matapos na maging usap-usapan sa social media ang naging interview ng beteranang mamahayag na si Karen Davila kay Senator and boxing champ Manny Pacquiao ay umani ng galit na reaksyon sa mga netizens. 

Kaya naman, agad na nagbigay ng opisyal na pahayag si Senator Manny Pacquiao sa nasabing interview niya sa "Headstart" program ni Davila sa ABS-CBN.



Ayon kay Senador Pacquiao, hindi siya nabastusan o ano man sa naging pagtatanong ni Davila sa kanya tungkol sa kanyang opinyon sa pagkakaroon ng 'college degree' ng tatakbong mga senador. 

Sabi pa ni Pacquiao, na ika-apat na beses niya na naging panauhin sa programa ni Davila at kagaya ng boxing, tiyak na mayroon din naging training si Davila upang maging batikan siyang journalist. 



Basahin ang opisyal na pahayag ni Senador Manny Pacquiao:

"STATEMENT OF SEN. MANNY PACQUIAO ON THE KAREN DAVILA INTERVIEW

This is in line with my recent interview with Ms. Karen Davila on Headstart which has been circulating online. This is my fourth time to be invited and have a sit down interview with Ms. Karen Davila. For the record, I was never offended by her manner of questioning. Isa po siyang batikan sa larangan ng Broadcasting at trabaho po niya na magbigay ng mabibigat na tanong sa taong kanyang ini-interview.


Sa akin pong pagganap ng tungkulin bilang Representative ng Sarangani at ngayon bilang Senador, alam ko po ang mga hamon sa buhay kaya naipaliwanag ko ang aking saloobin noong ako ay nagdeliver ng speech sa Oxford University at Cambridge University na patuloy po akong natututo sa buhay. I never quit and I never stop challenging myself. Kung may formal training sa boxing, may formal training din sa education. I continue learning not only in academics but also in life. I never quit and I never stop challenging myself. Kung may formal training sa boxing, may formal training din sa education. I continue learning not only in academics but also in life. With God's wisdom, I am pursuing formal education because it is important to gain deeper knowledge and better understanding on what is happening around us.

Nais ko pong magpasalamat sa taong bayan sa kanilang supporta at pagmamahal sa akin. Pakiusap ko lang po: LET US STOP THE HATE. Magtrabaho lang po tayo para sa kapakanan ng ating bayan. Sa lahat ng pagsubok, tandaan po natin: God is good all the time!"



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: www.senate.gov.ph

No comments:

Post a Comment