Breaking

Tuesday, February 19, 2019

VIRAL: Anak daw ng mayor, nanampal ng driver at babaeng pasahero: "Di niyo ba ako kilala, anak ako ng mayor.."

Lalakeng anak daw ng mayor, biglang nanampal sa isang driver at babaeng pasahero nito. Imahe mula sa Facebook

Viral sa social media ang isang lalake na nanampal  diumano sa isang driver ng van at pasahero nito. 

Ayon sa Facebook post Sweetie Ria Solis, ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa pananakit sa kanya ng hindi pa nakikilalang lalake ngunit nagpakilala itong anak daw siya ng Mayor. Hindi binanggit ng naturang lalake kung saan Mayor nanunungkulan ang kanyang mga magulang, ngunit isa lang dahilan ni Solis kung bakit niya ibinahagi ang larawan at ikinuwento niya ang nangyari sa kanya, dahil bigla lang sila sinampal ng naturang lalake. 



Kwento ni Solis, inaayos lang daw ng kanilang driver ang sasakyan sa isang resort sa Rizal. Bagama't hindi naman ganun katarik ang lugar, muntik na daw maatrasan  ng driver ng sinasakyan ni Solis ang kasunod nilang sasakyan na ang may-ari nga ay ang sinasabing anak ng mayor. 

Bigla daw bumaba yung babae sa sasakyan at sinigawan sila, sinasabing muntik na silang banggain ng sasakyan minamananeho ng driver nila Solis. Ngunit ayon kay Solis, malayo ang kanilang sasakyan at alam daw ng kanilang driver kung mababangga o hindi. 



Pinagsisigawan daw sila ng babaae na may karga na baby, at makalipas ang ilang minuto bumalik ito sa kanilang sasakyan at kasama na ang lalake na nagddrive ng kanilang kotse. Ayon kay Solis, bigla daw sinampal ng lalake ang kanilang driver at pagkatapos ay siya. 

Imahe mula sa Facebook

Imahe mula sa Facebook

Imahe mula sa Facebook
Masama ang loob ni Solis sa nangyari, dahil bukod sa wala naman silang ginagawang masama sa nakaalitan na pamilya ay sinampal at pinagmalakihan pa sila nito na anak daw  ng mayor ang kanilang nakaalitan. 

Magsilbi daw leksyon ito sa mga drivers, dahil kung hindi ang matapang na lalake ang makakapatay, baka daw siya ang mamatay. 

Basahin ang buong post ni Solis dito:

"Please pa share nlan po pra makarating s knya,kc bka NAAALIMPUNGATAN pa po eto TAO na to na NANAMPAL NG BABAE!!at pra maging AWARE kau s mga ganito klase ng mga tao!!!ANAK dw po ng MAYOR??

Kahapon sa sierra madre mountain resort,eto yun arogante lalake na nanampal na wlang humpay s driver n ksma nmin at s akin na isang BaBae po!! Yes babae po ako!nagsimula yan s wife nya na all of the sudden nagalit s driver nmin inaayos lan nmn ang pagpark s loob ng vicinity ng resort,yes po nasa bandang likuran cla ng sskyan pero napakalayo po ng agwat pra sbihn nya inaatrasan n cla ng anak nya,di nmn cguro ganung ka wlang isip ng driver na umatras na di cla mkikita?! At again malayo po un distance nila,to cut it short c wife pointing her finger ky driver telling” GAGO KA en YAN GINAGAWA MO AY GAGO KYA GAGO KA”at paulit ulit pa,lumapit kmi ni gen a cnabi s knya na n pede nmn mgsalita ng mayos di kailngan manigaw at magmura muka nmn cya my PINAGARALAN TAO! Umalis cya,after 15to 20 minutes bumalik nkasakyan n at ksma n nga eto lalake na yan na pabulusok pabbaba n pinaharurot un sskyan papunta s kinatatayuan nmin,pagkababa n pgbaba nagmumura na nilapitan c driver at SINAMPAL(bilis ng pngyayari kya mejo gulat din kmi) so awat en paliwanagan hingin pasencya nlan..c lalake di ngpapaawat kya sbi ko sa ofis nlan mgusap sabay baling s akin at sampal sabay sbi”DI NYU BA AkO KILALA ANAK AKO NG MAYOR!!’PUMAPATOL AKO SA BABAE!! GUSTO NYO PAGBABARILIN KO KAYO LAHAT DTO?!! WELL SORRY MAN i have no idea who the hell you are!! Regardless na anak ka pa ng ng isang MAYOR! KAYO ang NAKAPANAKIT SA AMIN sa PANANALITA AT PISIKAL!! Ni paliwanag di ka nkinig man lan naniwala ka agd agad s sumbong ng asawa mo! Ssbihn mo pa kya ka glit n galit natutulog ka at nagising ka at c wife ngsumbong ng kun ano ano n aatrasan cla ng sskyan??! ANO NAALIMPUNGATAN KA KAYA DI MO NA ALAM KUNG ANO GINAWA MO?Alam mo mo ba sa bgla bgla init ng ulo mo sa gnawa mo na yan pede mangyari na KUNG DI IKAW ANG MAKAPATAY bka IKW ANG MAPATAY?!!magpasalamat ka pa din nsa wasto kmi wisyo at un driver n cnampal mo ay di ka nlan pinatulan dhil ngaalala pa din kmi dhil nsa paligid lang un mga ksma nmin bata,pero ikaw nakipagaway na ksama mo anak at asawa mo!! At sa wife nmn. 

WOW! dko alm kun ano pagiisip meron ka at sinuong mo asawa mo sa gulo! To think na it was all started s advnced mo isip n aatrasan ka ng driver nmin! Na sbi mo nga WHAT IF??? Maatrasan kau ng anak mo or mawalan ng preno??nanay ka! Granted! Normal maging protective Pero di mo kailngan magmura manigaw agad2 pede nmn idaan s malumanay na usap! Nghingi na nga dispensa diba? Khit ndi nmn dpt!! AGAIN!! KAyO ang NAKAPANAKIT smin HINDI KAMI!! 

Purpose ng post na to is ndi dhil magpapasikat kundi maging aware un iba sa mga ganitong klase ng tao! Na sabi pa nga nya anak cya ng mayor DAw?? Anak ka man ng cnu pulitiko wla ka karapatan manakit ng kapwa mo at BABAE PA GAGO Ka! YOUR CONDENCENDING,RUDE ATTITUDE and BEHAVIOR DOESNT INTIMIDATE ME OR SCARE ME..SIR, ANAK NG MAYOR DAW,WHAT is SCARY po??YOU ARE FIT PERFECTLY WITH YOUR UGLY PERSONALITY."


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment