Breaking

Wednesday, February 13, 2019

VIRAL: French Baker, official statement ukol sa nag-viral na video ng pagti-trip diumano ng manager sa nag-resign na empleyado

Manager at nag-resign na empleyado ng French Baker, nag-viral. Imahe mula sa Facebook


Viral sa social media ngayon ang video ni Ruby Mae, ang kawawang empleyado dati ng French Baker na kung saan diumano ay napag-tripan siya ng kanyang dating manager na si Ladylyn Cameros.

Ayon sa Facebook post ni Ruby Mae, dating staff ng French Baker SM City Bacoor branch ay nagresign siya sa trabaho at nagpasa ng mga dapat ipasa para sa clearance ng kanyang pag-reresign ngunit tila hindi niya nagustuhan ang pambabastos ng kaniyang dating manager.


Sabi ni Ruby Mae, ilang beses siya pinabalik-balik ni Ladylyn Cameros ang manager ng French Baker SM City Bacoor branch, matapos na makapunta si Ruby Mae sa kanilang main branch sa Maynila.

Tila hindi na nagustuhan ni Ruby Mae ang ginawa sa kanya ni Ladylyn kaya napilitan na siya kuhanan ng video ito kasama ang isa pa niyang kaibigan. Noon ay napagalamanan na hindi gusto ng manager si Ruby Mae kaya pilit hinold nito ang kanyang clearance para hindi kaagad makuha ang kanyang backpay.



Basahin ang buong post ni Ruby Mae dito:

"Bastos na Manager ng The French Baker Sm City Bacoor!!!

Ako po si Ruby Mae Dating staff ng The French Baker Sm City Bacoor nais ko lamang pong ehingi ng hustisya ang pang babastos at pag papahiya saakin ng dati kong manager nasi Ladyln Camores.

Nag punta po ako kahapon sa store (Feb. 09, 2019) para e follow up ang akong clearance ngunit puro pambabastos ang ginawa nya saakin.

Nag resign po ako noong December 31, 2018. Bago ako magpasa ng resignation letter nagpaalam na ako sa aking manager nasi (Ladylyn Cameros) at pinaliwanag ko na po ng maayos. Pumayag naman po sya tapos binigyan nya ko ng date kung kelan po ako maglast day yun nga po naglast day ako nung December 31, 2018. Nung nakakuha na po ako ng clearance sa main (tc). Tapos po pinasa ko yung clearance ko sa store French Baker SM City Bacoor noong January 24, 2019 ineexpect ko po na pipirmahan nya agad yung clearance ko kasi alam ko na wala akong kulang tapos nung araw na yun pinauwi nya ko balikan ko nalang daw.

Di naman nya sinabi yung dahilan kaya umuwi na ko. Ilang bes ko binalikan yun kaso lagi nya sinasabi wala pa daw syang text saken. Di naman nya talaga sinabi ang dahilan. Kahit sa text nagtanong na ko kasi nagbaka sakali ako na baka sumagot na siya saken. Wala padin. Kaya kami dumating sa punto na ito. Nag tanong po ako sa aking kaibigan kung pano poba talaga ang process ng pag papa clearance na explain nya nmn po sakin at tinanong nya rin po ako kung bakit hindi ako hinaharap or hindi man lang nagrereply s mga messages ko at dun narin po sya nag decide na samahan ako s store upang makausap na ng personal at maitanong kung ano ang dahilan bakit hindi mapirmahan ang aking clearance. Pag punta po nmn ng store nag tanong po kami kung pwede mag follow up ng clearance ang nakausap nmin ang yung isang manager (shayne ) at sinabi nya na "hindi ko alam eh kausapin konalang c mam Lady" kaya po pumunta kami kay Lady pag lapit kopalang sa kanya sumigaw kagad sya na "Hinold ko!!" Sabay alis. Nagulat po ang aking kaibigan sa inasal nya kaya nag decide po kami na bumalik sa isang manager upang sabihin na gusto po nmin sya kausapin ng maayos, ngunit hindi po sya lumalapit at hindi kami eniintindi. Ng makakita ng pagkakataaon ang aking kaibigan nilapitan nya ito sa counter at sumigaw sya na ayaw nya makipag usap! Sinabihan ako ng isang manager na kausapin ko sa office pumasok po ako sa office at dun sinigaw sigawan nya ako at ayaw nya daw po ako kausapin! Dun napo ako lumabas at umiyak. Yun namn ang naging dahilan kung bakit vinideo na ng aking kaibigan habang nakikipag usap ako sa isang manager, ng bigla nlang lumabas c Ladylyn at nagsisisigaw at napaka tapang nya, ang gusto kolang nmn po ay malaman kung anong problema bakit hinohold nya ang aking clearance nag resign nmn po ako ng maayos. Andito narin po ang copy ng resignation. Sayo Ms. Ladylyn sana hindi ka ganyan makipag usap s staff mo hindi purket staff lang ako gaganyanin mona ako. Tao rin po ako at kailangan ko po ang backpay ko."

Matapos naman mag-viral sa social media ang nasabing Facebook post at video ni Ruby Mae, nagbigay ng opisyal na pahayag ang French Baker sa kanilang social media account.


Panoorin dito ang viral video:



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment