Breaking

Wednesday, February 6, 2019

Volunteers sa Manila Bay clean up, kailangan ng permit sa Manila City Hall

Imahe mula sa cgadncrcl.weebly.com


Maraming mga volunteer groups ang nais na tumulong sa rehabilitasyon ng Manila Bay, na una na binuksan noong Enero 27, 2019. Dinaluhan ito ng mga grupo mula sa mga local government units (LGU) na nakapaligid ng kinasasakupan ng Manila Bay. 

Kaya naman, para maging maayos ang paglilinis ng Manila Bay tuwing katapusan ng linggo, ay kailangan magtungo ang mga gustong tumulong sa paglilinis ng Manila Bay sa tanggapan ng Manila City Hall, upang mapanatili ang kaayusan ng Manila Bay clean up. 



May kumakalat kase na balita, kailangan magbayad ang mga volunteers para makakuha ng permit sa paglilinis ng Manila Bay. 

Pinabulaanan naman ito ng City administrator ng Maynila na si Erickson Alcovendaz, na sinasabi niyang maraming mga foreign groups ang nagtatanong sa kanya kung paano makakatulong sa pag-rerehabilitate ng Manila Bay. 



Kailangan lang daw kumuha ng mga grupo ng volunteers ng permit sa Manila City hall at wala itong bayad para ma-schedule sila at maiwasan ang kaguluhan sa paglilinis sa Mahila Bay.

“We are not asking for any fee. What we are trying to do here is for these interested groups to coordinate with the city hall so that we can arrange the schedule. We cannot just allow groups to go there because it would attract so many people. What we ask is for them to secure a permit for their activities,” aniya ni Alcovendaz.

Binalaan din ni Alcovendaz, na hindi pa maaaring paliguan ang tubig sa Manila Bay, dahil kontaminado pa ito ng dumi. 

Ayon naman kay Bambi Purisima, media information officer, ang mga balitang kumakalat na kailangan magbayad para makakuha ng permit sa pagre-rehabilitate ay pawang mga maling balita sa social media para siraan ang rehabilitation program ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Dagdag pa ni Purisima, na ang mga balitang ito na walang katotohanan ay gawa-gawa lamang ng mga grupo na tutol sa pag-rerehabilitate ng Manila Bay. 


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: PhilStar

No comments:

Post a Comment