Breaking

Saturday, March 2, 2019

A letter from a Korean to the Filipinos: "If you have a child, teach them how to love the Philippines..."

Mga Koreano sa Dambana ng Pambansang bayani ng Pilipinas sa Luneta, Maynila. Image for illustration purposes only. Image mula sa Rappler

Sa Facebook page na Reality Hurts ipinost ang sulat ng Koreanong si Jaeyoun Kim para sa ating mga Pilipino. Ika niya ang problema sa Pilipinas ay hindi ang korupsyon kundi ang ating kakulangan sa pagmamahal sa bansa.



Puro nalang daw tayo angal na korupt ang Pilipinas ngunit napag isipan ba natin na dumadahilan lang tayo upang ibulag ang sarili sa katotohanan, upang hindi natin harapin ang tunay na problema? Tama nga si Kim, ang korupsyon ay isa lang sa ating mga problema ngunit ang pinakamalaking problema ng Pilipinas ang pagkukulang ng bawat Pilipino sa pagmamahal sa Pilipinas.



Ikinuwento ng Koreano na ang kanilang bansa’y noo’y mas mahirap pa sa Pilipinas dahil sa Korean War. Wasak-wasak ang lahat at wala silang natural na yaman na pupwedeng gamitin.

Sa panahong iyon ang Pilipinas ang isa sa pinakamayayamang bansa sa Asia. Kinaiiingitan pa daw tayo dahil gusto nilang maging kasing yaman ng ating bansa. Dahil sa kahirapan, walang makain ang mga Koreano, pagkagutom ang pumatay sa karamihan sa kanila. Sariling tatay at kapatid ni Kim ay namatay dahil sa pagkagutom at tulad natin, korupt ang gobyerno nila noon, maskin rin nga nayon.



Ngunit hindi naging hadlang ang korupsyon at paghihirap upang magtulungan ang mga mamamayan ng South Korea upang mapaunlad ang bansa pagkat pinairal nila ang pagiging makabayan sa puso ng bawat isa.

Ani ya, “Koreans did not work just for themselves but also for their neighborhood and country. Education inspired young men with the spirit of patriotism.”




Imahe mula sa Quora

Ang sakripisyong naging pundasyon ng South Korea ngayon

Dahil sa kahirapan at bagsak nilang ekonomiya, hindi makahiram ang South Korea ng pera sa ibang bansa. Nagdadalawang isip ang mga investors bagkus nga na ganoon ang sitwasyon doon. Kaya nagpumilit ang kanilang Pangulo na si Park Chung-hee na ipadala ang kanilang mga mamamayanan sa Germany upang magtrabaho sa mga mina nito. Napakalupit ang dinanas ng mga ipinadalang koreano doon. Ngunit dahil dito agawang makahiram ng pera ang kanilang Pangulo sa Germany.

Sinalubong si Park ng kanyang mga mamamayanan noong 1964 sa paliparan ng siya’y bumisita sa Germany. Tumutulong luhay ang umiral sa paliparan at lahat ng koreano doon ay napatanong,

“President, when can we be well off?”



Umiyak rin at nangako si Park na sila’y yayaman kung lahat ay magtratrabaho ng mahirap at mabuti. Nakita ito ng Pangulo ng Germany at itong pangyayari ang nag udyat upang sila’y pahiramin ng Germany ng pera.

Ginamit ni Park itong pera upang gumawa ng mga factory. Habang mapaunlad niya ang Korea at nagtratrabaho ang mga Koreano lagi niyang tinatanong kung tunay nilang mahal ang kanilang bansa. Ito siguro ang naging paalala sa mga isip ng Koreano na ang pagmamahal nila sa Korea ay higit pa sa lahat ng paghihirap.

Marami raw na mga siyentista’t inhinyerong koreano ang dinala sa Estados Unidos ayon kay Kim, ngunit sila’y nagbabalik para matulungan ang kanilang bansa maskina napakaliit ang kanilang sinasahod. Laging pinapairal nila na mas importante ang kapakanan ng kanilang bansa.



Isang paalala

Ikwinento ni Kim na siya’y laging dinadala ng kanyang mga magulang sa mga lugar kung saan nakatira ang mga mahihirap at may kapansanan upang kanyang maunawaan ang kanilang pamumuhay. Nagtrabaho pa nga si Kim sa Simbahang Katoliko noong siya’y nasa militar pa. At isang leksyon ang tumatak sa kanyang utak, mahalin ang iyong kapwa.

Agad niyang tinanong sa atin kung tayo ba’y umiyak dahil sa kapakanan ng Pilipinas? Kasi siya mismo na dayuhan ay ilang beses na umiyak para sa kanyang bansa at dahil sa napakaraming mahihirap sa bansang ngayo’y kanyang tinitirahan.



Nakikita niya, maskina sa kulungan, na laging nagdadasal ang mga Pilipino. Masigasig sa simbahan at trabaho tayong mga Pilipino ngunit mahal nga ba natin ang ating bansa?

Nang kanyang tanungin ang mga preso, agad nilang sinagot na pag sila’y nakalabas, sa ibang bansa sila maninirahan at magbabagong buhay. Wala silang balak na bumalik sa Pilipinas pagkat wala na ang kanilang pagmamahal sa bayan.



Ikinagulat ito ni Kim pagkat napakaraming mga Koreanong nagmamahal sa bayan nila. Ani ya, sila’y naghahati-hati pa ng yaman sa kanilang kapwa upang matulungan. Ang mga may-ari ng mga factory sa Korea’y hinahati-hati ng patas ang kinikita nila sa kanilang mga empleyado, hindi po ang sahod kundi ang mismong kita ng lugar na pinagtratrabahuan nila. At ito’y dahil mahal nila ang bansa.

Ika nga ng nanay ni Kim, kung ika’y nagsisimba’t dumadalo sa misa ng hindi nagbabago, hindi ka Katoliko. Dapat aksyunan ang pananalig sa Diyos at kung gaano mo kamahal ang Amang nasa Langit ito riin dapat ang ibinibigay mong pagpagmamahal sa bansa’t kapwa mo Pilipino.

Pagmamahal ang may kakayahang magbabago ng tao, konteksto at mga relasyon. Ang pagmamahal,

“It changes the world. Please love your neighborhood and country.”

Ito lang ang pagkukulang ng mga Pilipino, kaya kung nais nating umunlad at iwanan na ang dekadang paghihirap, oras na para mahalin ang bansa. Maging makabayan at mahalin ang isa’t-isa, at huwag na magturo-turo pa kung sinong may kasalanan, magtrabaho nalang tayo ng maigi upang marating ang ating inaasam na pagbabago sa kinabukasan.

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source:  Facebook/ Reality Hurts

No comments:

Post a Comment