Breaking

Saturday, March 2, 2019

Bong Go, isusulong ang taas pasahod sa mga nurses sa Pilipinas

Senatorial candidate Bong Go, nais iangat ang sahod ng mga nurses sa Pilipinas. Imahe mula sa DepEd
Isa sa mga adhikain ni Senatorial candidate at dating special assistant ni Pangulong Rodrigo Duterte, Bong Go ang pagbibigay halaga sa kalusugan sa ating bansa. 

Kaya naman, mayroon ng 26 Malasakit centers na isa sa mga program ni Go na naisakatuparan sa ilalim ng administrasyon ni Duterte. 


Kaisa niya dito ay ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corp., Philippine Charity Sweepstakes Office at iba pang mga government agencies na nagbibigay ng tulong financial sa mga 'indigent patients'.

Sabi ni Go, nais niyang iangat ang sahod ng mga nurses pati mga barangay (village) health workers para sa ganun ay hindi na kailangan mag-abroad ang mga nurses dito dahil mababa ang kanilang sahod. 

“They deserve to be properly compensated because they are essential in the delivery of crucial medical services to the grassroots in keeping our citizens healthy,” sabi ni Go noong nagtungo siya sa Navotas Hospital.


“Improve the health services throughout the country. Alam niyo, sa kakaikot ko, marami pong mga ospital diyan na kulang ang mga hospital beds po. Nakahilera sa labas ng wards po ‘yung mga pasyente, minsan, sa isang kama, two or three pasyente po dito ang nakahiga."

Ayon kay Go, itataas niya ito sa gobyerno at sila ang bahala na magbigay ng karampatang dagdag sahod sa mga health workers sa Pilipinas. 

Isusulong din ni Go ang pagkakaroon ng maraming 'Malasakit Centers' para makatulong pa sa mga pasyente lalo na ang mga mahihirap.


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Manila Times

No comments:

Post a Comment