Breaking

Saturday, March 9, 2019

Bucor Chief Faeldon ginalit ng mga preso, pinagbawalan na tumanggap ng mga bisita: “Para wala ng makapasok na kontrabando!”

Ginalit ng mga preso si BuCor Chief Faeldon, dami na tuloy bawal. Imahe mula sa PhilStar at Manila Bulleitn

Galit n galit si  Bureau of Corrections (BuCor) chief Director General Nicanor Faeldon ng mabalitaan niya na may nagkakahalaga na P190-M na halaga ng shabu na nakapasok sa isang kulungan sa bansa. 

Agad ipinagutos ni Faeldon, na ipagbawal ang pagtanggap ng bisita sa Bilibid at sa iba pang kulungan nationwide.

“Effective today, all privileges will be canceled,” sabi ni Faeldon. 



Imbes na magkaroon sila ng isang maliit na barangay sa loob ng kulungan at makipagtulungan sa mga pulis at sinuway nila ang patakaran na ipinatutupad sa loob ng kalungan. 

“So ‘yung initially na 100 percent na usapang maginoo eh bumababa nang bumababa kasi hindi naman sila seryoso sa pagtulong na i-police because we asked them to police their ranks,” sabi ni Faeldon. 



Ito ang kauna-unahang pagkakataon na buhay preso talaga ang mga nasa kulungan, dahil bawal na ang mag-basketball, tumanggap ng regalo o pagkain mula sa kanilang mga bisita. 

Dahil sa may nakalusot na droga sa loob ng kulungan, bukod sa NBP, pati ang  Abuyog Penal Colony sa Leyte, Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong, Iwahig and Penal Farm sa Puerto Princesa, Sablayan penal colony and Penal Farm sa Occidental Mindoro, San Ramon penal colony and Penal Farm sa Zamboanga at sa Davao penal colony and Penal Farm ay makakaranas din ng batas militar ni Faeldon. 

Ayon kay BuCor Spokesperson Sonny Del Rosario, ang paghihigpit na ito ay mawawala din kung makikipagtulungan ang mga inmates sa NBP.

“Pag nakita natin na nagkaroon ng magandang development, yung talagang nakikipag-cooperate lahat ng inmates, nagkaroon talaga ng pagbabago,” ayon kay Del Rosario. 

Sumang-ayon naman si Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra sa naging desisyon ni Faeldon na higpitan ang mga preso. 

“I believe that these measures are temporary in character, as the BuCor intensifies its campaign to rid our facilities of illegal activities,” ayon kay Guevarra. 

Matagal na usapin na ito sa loob ng mga kulungan. Sabi nga nila, maaari kang makapasok sa loob ng kulungan, ngunit hindi ka pwede lumabas. 



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment