Breaking

Friday, March 1, 2019

Isang pari sa Negros Occidental, tinanggal sa pagkapari dahil sa pangmomolestiya diumano ng 4 na taong gulang babae

Pari sa Negros Occidental, namolestiya diumano ng menor de edad. Image mula sa PhilNews.ph

Isang pari sa Cadiz City, Negros Occidental ang tinanggal kaagad sa pagkapari, matapos na sampahan siya ng kaso ng mga pulis dahil diumano minolestiya niya ang isang estudyante ng day care sa kanilang parokya. 

Ayon kay San Carlos Diocese Bishop Gerardo Alminaza, hindi mangingielam ang kanilang simbahan sa kaso ng nasabing pari na hindi pinangalanan. 



“While we allow the legal process to take its course, the church will proceed with its own canonical process which involves providing pastoral care to the alleged victim and accused and whoever is involved in the investigation.”

Itinanggi ito ng pari na siya ay namolestiya ng isang bata at hindi pinangalanan kung saan siya simbahan naka-assign. 

Gulat na gulat din daw ang pari sa akusasyon ng mga magulang na nagsadya at pormal na naghain ng reklamo sa city prosecutor’s office sa Cadiz at humaharap sa kasong 'Violating the Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act'.



Sabi ng mga pulis ang biktima ay isang day-care student sa simbahan na kung saan naka-assign ang pari na sinasabing nang molestiya at ang ina ng batang biktima ay nagtatrabaho doon bilang secretary ng parokya.

Sa imbestigasyon ay walang nakitang ano man 'penetration' sa maselan bahaging katawan ng bata, ngunit may nakita na senyales na ito ay hinipo ng salarin.

Ayon sa bata, hinalikan diumano siya ng pari at hinawakan ang kanyang maselan bahagi ng katawan at ang huli nga ay noong Pebrero 8.



Hindi naman daw pababayaan ng simbahan ang trauma na dinanas ng bata ayon kay Bishop Gerardo Alminaza, sa katunayan ay nagpadala na siya ng tulong sa biktima.

“I have assigned a priest to take over temporarily the shepherding of the parish concerned in order to give the accused time to spiritually prepare himself to face the allegations and to give way for an impartial investigation.”

“We are committed to search for truth and to make sure the process will be fair and just to both parties and whoever is responsible will have to face the consequences,” ayon kay Bishop Alminaza.





What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Inquirer

No comments:

Post a Comment