Breaking

Saturday, March 2, 2019

Mahigit 200 pari, religious leaders nag-request ng permit na magbitbit ng baril – Albayalde

PNP Chief Director General Oscar Alabayalde, kinumpirma na higit sa 200 humihiling na makakuha ng Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR). Imahe mula sa United Defense Manufacturing Corporation

Lumutang kamakailan ang isyu na dapat na din umano mag – armas ang mga kapari-an dulot ng naiulat na sunod – sunod na pagpaslang sa tatlong pari sa loob lamang ng 6 na buwan. Bagay naman na tinutulan ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP).

Bagamat hindi man aprubado ng Simbahang Katolika, iginagalang naman ng CBCP ang nauna nang desisyon ng iilang mga pari na magdala na ng armas.

Batay naman sa nauna nang ibinunyag ni Calamba Parishioner Atty. Francisco Dela Rosa ukol sa mga alagad ng simbahang nagpasya nang magdala ng armas, kinumpirma na ni PNP Chief Director General Oscar Alabayalde na nasa mahigit 200 na ng mga ito ang humihiling na makakuha ng Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR).

Photo credit to Inquirer News


Photo credit to Rappler
Kabilang sa mga humihingi ng permit ay ang mga Ministro, Tagapangaral, mga Pastor at karamihan naman ay mga Pari na umabot na sa kabuoang mahigit sa 180. Nanatili namang tikom ang Hepe kung saang lugar at kinabibilangang relihiyon ng mga ito para na din sa kanilang seguridad.

Giit naman ni Albayalde, mabibigyan lamang ng PTCFOR ang mga kwalipikadong klero at mga pinuno ng religious congregations na nakapasa lamang ng tamang rekisito.

Gayumpaman, nakahanda din umano ang PNP na magbigay ng Firearms Proficiency Training ang mga ito na nais makapagdala ng armas.

Samantala, isasa-ilalim pa din sa masusing background investigation ang sinumang nagnanais makakuha ng PTCFOR.




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.


Daily Pilipinas Source:  bomboradyo.com

No comments:

Post a Comment