Breaking

Sunday, March 17, 2019

NAHULI NA! Kasapi diumano ng kulto ang suspek sa pagpatay kay Christine Silawan na nambiktima na din noon paNAHULI NA! Kasapi diumano ng kulto ang suspek sa pagpatay kay Christine Silawan na nambiktima na din noon pa

Jonas Bueno, suspek sa pagpatay kay Christine Silawan. Imahe mula sa Facebook


Timbog ng mga awtoridad ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Christine Lee Silawan kahapon sa Davao City at ayon sa balita ay hindi man lang ito nanlaban sa mga awtoridad at kusang sumama sa mga ito. 

Si Jonas Bueno kasama ang kanyang mga kapatid na si Junry Bueno  at Jury Mal-Ang ay mayroon nang warrant of arrest na naka-file sa Danao City Regional Trial Court noong 2017 pa. 

Sa kasawiang palad,  tanging si Jonas lamang ang nahuli ng mga awtoridad na nagtatrabaho bilang construction worker sa Matina, Davao City.



Ayon sa balita, hindi lang ito ang unang pagkakataon na ginawa ni Bueno ang ganitong klaseng pagpatay. Noong Enero 11, 3 buwan palang ang nakakalipas, ay natagpuan sa Danao City, Cebu ang isang 60-taon gulang na farmer na si Trinidad Batucan na walang buhay at binalatan din. 

Sinasabing ang tatlong suspek din ay mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ayon sa PNP Danao. At ang tanging natitirang buhay na suspek ay si Jonas Bueno. 
Bueno Brothers, Imahe mula sa Pinoy Trend
Ayon kay Police Chief Inspector Milgrace Driz, kilala si Jason Bueno bilang Jason Martel ay may usap-usapan na ito ay isang miyembro ng isang kulto na kailangan na mambiktima sila para isakripisyo. 



Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon sa kaso ni Christine Lee Silawan, ayon sa Philippine National Police (PNP) ay may isa pa silang suspek na pinaghahanap dahil ito ang huling kausap ni Christine Silawan bago siya paslangin.

“Doon sa cellphone na nakuha sa kamag anak noong biktima, sa patuloy na imbestigasyon na isinasagawa ay may mga nakuhang impormasyon na may kausap itong biktima noong araw na iyon,” ayon kay Police Colonel Bernard Banac, Spokesperson ng PNP.

Dagdag pa ng PNP ay maaaring may sira ang ulo  ng suspek na ito na kanilang pinaghahanap dahil sa epekto ng shabu na naging sanhi ng pagkakagawa ng suspek sa biktima. 

“Sa taong may psychological disorder at lango sa pinagbabawal na gamot, pinagsama yan makakagawa talaga ng mga ganitong karumal dumal na bagay,”  dagdag ni Banac.

Sa ngayon ay nasa ilalim ng kustodiya ng NBI Davao Region si Jonas Bueno.



P2 milyon ang reward sa kung sino man ang makakapagbigay ng impormasyon sa ikalulutas ng kaso ni Silawan. 

Inuutos agad ni Pangulong Rodrigo Duterte and paghuli sa suspek ng buhay matapos makarating sa kanya ang karumal-dumal na balita na ito. Labis din ikinabahala ng mga netizen ang ginawa ng mga suspek na ito sa paniniwala na sila ay kasapi ng isang kulto. 




No comments:

Post a Comment