Breaking

Wednesday, March 6, 2019

P2,000 buwanang sahod sa mga nanay, isinusulong sa Kongreso

P2,000 buwanang sahod sa mga nanay na nasa bahay lamang. Imahe mula sa Kiran Kreer

Halos lagpas sa kalahati ng populasyon sa Pilipinas ay binubuo ng mga babae. Maraming 'single mothers' at mga ina na may mga anak na bata ang binabantayan ang kanilang mga anak sa bahay at hindi makapagtrabaho.

Sa ilalim ng House Bill 8875 na ipinanukala ni Albay Rep. Joel Sarte Salceda, bibigyan ng pagkakataon ang mga nanay sa bahay upang makatanggap ng buwanang sustent mula sa gobyerno. 


Sa ilalim ng panukalang batas, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang babalangkas at magpapatupad ng mga alituntunin sa pagkilala sa magiging benepisyaryo nito.

Ayon kay Salcedo, isang kilalang ekonomista, napapanahon na para bigyan ng pansin ang mga kababaihan na may mga anak na 12-taon gulang pababa na makatanggao ng P2,000 sahod kada buwan hanggan sa sila ay makaahon at lumampas sa edad 12-taon gulang ang kanilang mga anak. 

Aabot sa P35 bilyon ang kakailanganin ng programa na ang P32 bilyon ay mapupunta sa mga may asawang maybahay at tatlong bilyong piso naman ang sa mga ‘single mothers’, balo, hiwalay sa asawa at iba pa.

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Abante

No comments:

Post a Comment