Breaking

Friday, March 1, 2019

Pangulong Duterte, may paalala sa mga boboto ng Senador: "Don’t put useless people in Senate."

Pangulong Rodrigo Duterte, nakompleto na ang 12 Senatoriables. Imahe mula sa Eleven Media Group Co., Ltd
Muling nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanan ng makompleto na ang kanyang 12 senador na nais niyang maupo sa Senado. 

Ayon sa pangulo, wag iboto ang mga tumatakbong senador na masabi lamang na tumakbo sa pagka senador, lalong-lalo ung mga kritiko niya. 

“Ano naman nagawa nila? Hanggang salita. What makes you remember them? Extraordinarily na masabi mo na kailangan mong ibalik sila (What did they do? They are just all talk. What did they do extraordinarily that makes you remember them and makes you say that you have to put them back at the Senate)?”

“Iwasan ninyo ‘yan, ‘yung walang ginawa kung hindi mag… Sabihin mo sa mga tao (Avoid those who have done nothing. Tell that to everybody),” sinabi ni Pangulong Duterte noong Sabado sa PDP-Laban campaign rally sa Biñan, Laguna.

“Ito ‘yung sabi ko na ibalik ninyo. Talagang wala kayo — ‘yang hindi tayo malugi. Hindi ka man ma-short diyan ‘yang mga bolador na puro arte lang (These are the ones who you should put back at the Senate. You will not lose with them. They are not like those who are all talk).”

“Alam mo matao ‘yang Pilipino kasi masa-masa tapos mag-idol-idol. Mag-idol kayo ‘yung totoo. Huwag kayong mag-idol na… Iyong talagang makita mo na may ginawa para sa ating bayan. Iyon ang i-idol ninyo. Iyon ang iboto ninyo (Filipinos are pro-people. It’s OK to have idols but idolize those who did something for our country. Vote for those people).”

“Alam mo sa totoo lang, mortal sin ‘yan sa inyo. Nandito, dinala ko na nga sa harapan ninyo ang mga tao. Totoo lang. Hindi ko ito iharap kung sabihin mo na may… (Let’s be real, it’s a mortal sin for you. Here, I brought people in front of you. I will not campaign for them if there is something wrong with them).”

“Bakit ninyo ibigay ‘yang responsibility na mabigat para sa kapakanan ng bayan sa mga taong alam ninyo na inutil. Iyan ang ibig kong sabihin (Why would you give the big responsibility of shaping our country to those people who are useless? That’s what I mean),” sinabi ng Pangulong Duterte. 

Lima sa mga inindorso ni Pangulong Duterte ay mga nakapwesto na sa Senado na tumatakbo uli, kagaya na lamang nila Koko Pimentel, Cynthia Villar, Sonny Angara, and JV Ejercito; at Congresswoman Pia Cayetano.

Kinompleto ni dating Interior Secretary Raffy Alunan ang kanyang 12 senatoriable line up na pinangungunahan ni former Special Assistant to the President Christopher Go, former Political Adviser Francis Tolentino, Ilocos Norte Governor Imee Marcos, singer Freddie Aguilar, Alunan, Pimentel, Villar, Angara, Ejercito, Cayetano, Maguindanao Representative Zajid Mangudadatu, at former Philippine National Police (PNP) chief Ronald “Bato” Dela Rosa.

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Manila Bulletin


No comments:

Post a Comment