Breaking

Wednesday, March 13, 2019

Pangulong Duterte, nilagdaan na ang 'car seat law philippines 2019'

Pangulong Duterte, isinabatas ang pagkakaroon ng car seat sa bawat sasakyan kapag may bata na sakay. Imahe mula sa thestar.com.my at Manila Bulletin

Pangulong Duterte, nilagdaan na ang batas para magkaroon  ng 'car seat' ang mga batang may edad 12-taon-gulang pababa

Ang pagkakaroon ng 'car seat' sa bawat pribadong sasakyan ay hindi naging kaugalian ng mga Pilipino. 


Ayon sa Philippine Statistics Authority, umaabot sa 667 na bata na may edad 14-taon gulang pababa ang na-aksidente dahil sa 'vehicular accident' simula taon 2006 hanggang 2015. 

Kaya naman bilang pagbibigay proteksyon sa mga bata, isinabatas na ang Republic Act 11229 (Child Safety in Motor Vehicles Act) na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Pebrero 22.

Nakasaad sa nasabing batas, na kailangan na magkaroong ng lugar ang isang ata na nasa edad 12-taon gulang pababa sa loob ng sasakyan na kung saan magagamit nila ang seat belt. 


Maari lamang silang maupo sa harapan ng sasakyan (passenger seat) kung meron silang 150 centimeters o 56 inches na tangkad para magkasya sa seat belt ng sasakyan. 

Inatasan ang Department of Transportation para magkaroon ng mahigpit na pagbabantay sa mga sasakyan ganun din para sa proteksyon ng mga bata. 

Ang sino man mahuhuli na lumabag sa nasabing  batas ay pag mumultahin ng P1,000 para sa unang offense, P2,000 para sa pangalawa at P5,00 at pagsuspendi sa liscensiya ng driver ng isang taon. 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: GMA

No comments:

Post a Comment