Breaking

Friday, March 15, 2019

Pangulong Duterte, pinirmahan na ang 'Motorcycle Crime Prevention Act'



Ang Republic Act no. 11235 o “Motorcycle Crime Prevention Act” ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 8 pa at noong Huwebes lamang tuluyan na naisabatas.

“Motorcycle Crime Prevention Act” o Republic Act no. 11235 ay naglalayon na bawasan ang ano man krimen sa pamamagitan ng pagbibigay ng 'plate number' na mababasa mula malayo ng mga awtoridad.



Sa ilalim ng batas na ito, ang bagong may-ari ng motorsiklo ay kailangan magpa-register sa loob ng 5 araw mula sa kanyang pagkabili ng motor. Kapag hindi niya ito naiparehistro sa loob ng 5 araw mula sa kanyang pagkabili ng motorsiko ay kinakailangan niyang magbayad ng hindi hihigit sa P25,000 o kapag hindi nakapagbbayad ay maari itong mabilanggo.

Kapag ang isa naman motorsiklo ay ginamit at walang 'plate number' maaaring makulong o magbayad ng P50,000 hanggang P100,000 ang sino man lalabag dito.



Kukumpiskahin din ng traffic enforcers ang motorsiklo kapag walang maipakitang plaka at bago makuha ang motor ay kailangan magpakita ng "proof of ownership and payment of the costs of seizure, and compliance with a number plate or readable number plate.”

Bukod pa dito, haharap din sa pagkakakulong ng 24 oras ang sino man mahuhuli na walang plate number ang motorsiklo.

Ang paggamit naman ng nakaw na plate number ay papatawan din ng P50,000 hanggang P100,000.


Kapag napatunayan din na ang motorsiklo na gamit ay ginamit sa mga krimen lalo na sa pagtakas ng isang salarin, kahit na hindi ikaw ang gumawa ng krimen at haharap ang driver ng motorsiklo ng 12 hanggang 40 taon na pagkabilanggo.

Magtatayo din ang Philippine National Police (PNP) at Land Transportation Office (LTO) ng "impounding center" na kung saan doon ilalagak ang mga nakumpiska na motorsiklo.

Pinapayuhan ang mga may-ari ng mga motorsiklo na iparehistro at mag-apply sa bagong plate number bago ang June 30, 2019.

Ipapamahagi ito ng LTO sa December 21, 2019 sa mga nag-apply ng bagong "color coding plate numbers".

Sa isang taon pa, magiging mahigpit at tuluyan na ipatutupad ang nasabing batas.



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: ABS-CBN

No comments:

Post a Comment