Breaking

Monday, March 4, 2019

PANOORIN: Pangulong Duterte, nagbigay ng opinyon sa mga kandidato ng oposisyon: “Otso Diretso? Papuntang impiyerno..”

Pangulong Rodrigo Dutgerte, inisa-isa ang mga kandidato ng 'Otso Diretso'. Imahe mula sa ABS-CBN at Rappler

Sa naging campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) kahapon sa Zamboanga, na dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbigay siya ng maiinit na opinyon sa mga kandidato ng oposisyon.

Matapos na sabihin ng  Pangulo sa mga boboto sa May 2019 elections, na 'wag bumoto ng mga senatorial candidates na 'walang silbi' sa Senado. Binigay niya ang pahayag na ito, matapos na makompleto niya ang line-up ng kanyang 12 Senador na iniendorso.

“Kung magpunta yan dito sa Lanao, wala yan pugutan ko ng ulo ito mga ito to.. walang kwentang mga tao.. wala namang nagawa para sa aming mga Moro.. tapos kami nagbabayad.”

“Ipalit mo yan sa Otso Diretso? Papuntang impiyerno…”

“Walang ginawa yang mga tao na yan, puro criticize..”

“Proud sila sa left, they think they are popular, nag gawa pa ng ticket Otso Diretso.”

Maiinit na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Otso Diretso.

Samantala, inisa-isa naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kandidato ng oposisyon sa pangunguna ni Magdalo Representative Gary Alejano.

“Alejano.. walang sense talagang magsalita..”

Sunod naman ay ang abogado ng human rights na si Chel Diokno.

“Eto ang pangit magsalita p***** ****. Ang layo nya sa Tatay nya na matalino. Hindi na nga siguro ito marunong magsalita ng impyerno, Nasusunog tayo, tulong.”

Nung magbibigay naman siya ng komento kay Samira Gutoc, ay bigla nalang siya nanahimik.

“Si Samira babae naman yan, ayaw kong magsalita diyan eh ganun ang rule diyan kapag babae kalaban mo you just shut up, I have nothing to say to you ma’am.”

At para naman at Attorney Romeo Macalintal,

“Abogado ka lang kung may pera ka.. pag pasok mo wala kang pera?”

Kay Erin Tanada,

“Ayaw nilang aminin na NPA sila, pero sila ang nag susuporta.. lahat ng NPA sila ang abogado.”

Kay Senator re-electionist Bam Aquino,

“Bam Aquino.. maski ano ka pa..malayo ka talaga.. kamukha ka lang (ni Ninoy).. ano bang significant ang nagawa mo? What have you done that is really impressive. Puro kayo oposisyon, puro kayo sawa.”

At para naman sa nagbabalik sa pulitika na si Mar Roxas,

“Kayong mga liberal, magtanong lang ako diyan, anong nagawa niya? anong nagawa niya na naiwan niya sa bayan? secretary of trade kay Macapagal (Arroyo), pagkatapos noong eleksyon, lukso siya kay Aquino.. secretary of Finance.. tapos secretary of communications.. tapos DILG.”

“Nadaanan niya naman lahat yan..  ano ang nagawa niya.. bigyan mo ko isa. Dinaanan na niya lahat. Ngayon babalik ka na naman. Ano na naman ang dadalhin mo?”

Kilala sa pagiging prangka si Pangulo Rodrigo Duterte, ngunit minsan ang mga binibitawan niyang salita ay may katotohananan. Kayo na ang humusga.




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment