Breaking

Saturday, March 9, 2019

San Miguel Corp. magtatayo ng airport sa Bulacan, papalit sa Ninoy Aquino International Airport

San Miguel Corporation, magtatayo ng bagong airport na ipapalit sa Ninoy Aquino International airport. Imahe mula sa The Economists Journal

Sinimulan na ngayon taon ang ground-breaking sa P735.6-billion Bulacan International Airport na pinangunahan ng San Miguel Corporation (SMC) President na si Ramon Ang.

Ang bagong airport na itatayo sa may Bulacan, Bulacan ay papalit umano sa Ninoy Aquino International Airport na may kakayahan lamang na mag-accomodate ng 30 milyon na pasahero sa isang taon, kumpara sa kayang i-accomodate ng Bulacan International Airport na 100-milyong pasahero kada taon. 


Ayon kay SMC President Ramon Ang, mahabang proseso ang pinagdaanan para maisakatuparan ang pagtayo ng bagong airport at sana ay masimulan na nila ang konstruksyon ngayon din taon na ito. 

“While we’re still going through a long process, hopefully, in 2019, we can hit the ground running on actual construction,” ani ni Ang. 

Ang Bulacan International Airport ay isang public-private partnership ng San Miguel Holdings Corporation (SMHC) na itatayo sa 2,500-hektarya na lupain sa Bulacan. 


Tinatayang P735.63 billion ang halaga na kailangan gamitin sa pagsasagawa ng airport.

“The project, estimated at $15 billion, will be undertaken over a period of five to seven years to full completion. On average, spending spread is about P100 billion, which is at the level of the company’s cash from operating activities, on a simple annualized basis,” pahayag ng SMC noong nakaraang taon. 

“It will create some one million jobs once construction starts, and by the time it’s completed, millions more of new tourism jobs will be created,” Ang said in the September statement. “Travel will be much easier and more comfortable for our air passengers, for overseas Filipino workers, and foreign tourists. Access will also be very easy with multiple expressways that will bring the airport within 30 minutes or shorter from anywhere in Metro Manila,”  dagdag pa ni Ang. 



What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Esquire

No comments:

Post a Comment