Breaking

Monday, March 18, 2019

TINGNAN: 28 bagong ruta ng P2P bus, ready to serve!

P2P Bus, inilunsad na. Alamin kung ano-ano ang ruta nito. Imahe mula sa YouTube
Walang sariling sasakyan at araw-araw na kalbaryo ang pagcocommute sa traffic, marami na ngayon pagpipiliang mga sasakyang pampubliko na maaaring subukin upang agad na makarating sa destinasyon. Isa na rito ang Premium Point-to-Point (P2P) Bus Service na inilunsad noong taong 2016 bilang isa sa mga solusyon ng pamahalaan sa problema hinggil sa pagpapabilis ng daloy ng trapiko.


Nitong Marso 12, 2019, binuksan na ang 28 bagong ruta ng P2P Bus Service ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.


Batay sa inilabas na Memorandum Circular 2019-010 ng LTFRB, ang mga bagong ruta ng P2P Buses ay ibibigay sa 16 na prangkisa.

Kung manggagaling sa Angat, Balagtas, Pandi, at Plaridel, Bulacan, maaaring bumaba sa North EDSA sa Quezon City.

Mula naman sa Philippine Arena sa Bulacan, maaaring bumaba sa Clark sa Pampanga, Calumpit sa Bulacan, La Union, at Central sa Quezon City.

Kung magmumula naman sa Calamba, Laguna, ang dulo ng ruta ay maaaring sa Makati City, BGC/Fort Bonifacio, Taguig City, at Lawton sa Maynila.


Kung manggagaling naman sa NAIA/PITX at Clark, Pampanga, tuloy–tuloy ang biyahe hanggang sa Baguio.

Mula sa Batangas City, maaaring tumulak hanggang Alabang, Lawton, at PITX. Sa Lipa, Batangas naman, maaaring makarating sa Alabang, Lawton, Ortigas, at PITX.

Mayroon na ring P2P buses sa Visayas. Mula sa Cebu City, maaaring magtungo hanggang sa Lapu-Lapu City, Danao City, at Sibonga sa Cebu. Sa Iloilo City naman, makararating ito hanggang sa Iloilo International Airport, Caticlan, at Kalibo Airport.

Sa Maynila naman, 15 unit ng buses ang bumibiyahe lalo na sa pagpatak ng rush hours upang makapagbigay ng serbisyo sa mga pasahero. Halos 800 pasahero ang naseserbisyuhan nito tuwing umaga at 600 naman tuwing gabi.

Batay sa naging survey ng DOTC sa mga pasahero ng P2P buses, 20% sa kanila ay malaki ang natipid sa gasolina para sa kanilang mga sariling sasakyan dahil pinili nilang sumakay na lamang sa mga bus na ito.


Sa inilabas na Memorandum Circular 2019-010 ng LTFRB, ang mga bagong P2P routes ay ibibigay sa 16 na prangkisa.

Ang mga bagong ruta ay:
1. Angat, Bulacan – North EDSA, Quezon City
2. Angat, Bulacan – Lawton
3. Balagtas, Bulacan – North EDSA
4. Pandi, Bulacan – North EDSA
5. Plaridel, Bulacan – North EDSA
6. Calamba, Laguna – Makati
7. Calamba, Laguna – BGC/Fort Bonifacio, Taguig City
8. Calamba, Laguna – Lawton
9. NAIA/PITX – Baguio
10. Clark – Baguio
11. Cebu City – Lapu-Lapu City
12. Cebu City – Danao City, Cebu
13. Cebu City – Sibonga, Cebu
14. Iloilo City – Iloilo International Airport
15. Iloilo City – Caticlan
16. Iloilo City – Kalibo Airport
17. Philippine Arena – Clark
18. Philippine Arena – Calumpit, Bulacan
19. Philippine Arena – La Union
20. Philippine Arena – Central in Quezon City
21. Batangas City – Alabang
22. Batangas City – Lawton
24. Batangas City – PITX
25. Lipa, Batangas – Alabang
26. Lipa, Batangas – Lawton
27. Lipa, Batangas – Ortigas
28. Lipa, Batangas – PITX


What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: FacebookInquirer

No comments:

Post a Comment