Breaking

Thursday, March 28, 2019

TRENDING: Istorya ng isang ina na tinakot ng kanyang anak para mabigyan ng pang-date sa halagang P2,500

Netizen, ibinahagi ang nakakalungkot na istorya ng isang ulirang ina . Imahe mula sa Facebook

Ibinahagi ng isang Facebook user, ang istorya ng isang matandang babae na nakasabay niya sa isang "remittance center" para magpadala ng pera. 

Ayon kay Krish C. Bustos, pinagmamasdan niya ang isang matandang babae na tila hindi alam ang gagawin sa isang "remittance center" at may hawak na pera. Nilapitan niya ito at tinanong kung magpapadala ba ito ng pera. Agad naman sumagot ang matanda at binulong na hindi daw ito marunong magsulat kaya hindi siya makalapit sa mahabang pila. 



Habang nakapila ang dalawa ay nagkwentuhan sila at tinanong ni Krish sa matandang babae, kung para kanino yung ipapadala niya. Sagot naman ni Nanay, para daw ito sa kanyang anak na humihinge sa kanya ng pera para pang-date daw ng kanyang anak at ng kanyang boyfriend. Ang matandang babae pala ay namamasukan na kasambahay at kada buwan ay sumasahod ng P2,500. 

Kaya bilang isang anak, hindi napigilan ni Krish na hindi ibahagi ang kanyang narinig mula sa matanda at ninais na huwag ng ibahagi ang larawan ng anak ng matanda, ngunit may mensahe sa anak ng matanda.

"MAG IPON KA! GUSTO MO PALA NG DATE! MAG TRABAHO KA HABANG NAG AARAL PARA MAY PANG BIGAY KA JAN SA JOWA MO! HINDI NA KASI OBLIGASYON NG PARENTS YUN EI. OBLIGASYON LANG NILA YUN AY ANG PAG ARALIN TAYO."



BASAHIN ANG BUONG POST ni Krish C. Bustos:


"Don't know how to start dis kind of shi*😪 nag claim ako ng money sa *******. Then naka pila lang ako halos ang haba na nung pila then yung mata ko hindi ko talaga maiiwasan na di tumingin kay nanay na nakaupo sa gilid may hawak siyang pera iniisip ko talaga mag papadala siya then next n ko sa pila pag katapos ko mag claim nilapitan ko siya kasi mukang kailangan niya ng mag tatanong or mag aapproach sa kanya sabi ko na

Me: Nay papadala po kayo?

Nanay: Oo

Me: Haba na po ng pila oh pila na po kayo 
(Then bumulong siya sakin)

Nanay: Wag kang maingay ha di kasi ako marunong mag sulat.

Me: Ah ganon po ba. Kanino niyo po ba yan ipapadala?

Nanay: Sa anak ko.

(Sinilip ko ang haba talaga ng pila pero kawawa kasi si nanay kung di nya mapapadala sa anak niya)


Me: sige po tulungan ko kayo.

Nanay: Salamat ha. Ikaw ay pag palain.

(Di ko talaga mapigilan mag tanong kasi gaya ng sabi ni nanay di siya marunong mag sulat so tiningnan ko yung ID niya)

Me: Nay ano pong trabaho niyo?

Nanay: Nangangatulong nag aalaga ng bata.

Me: Ah ganon po.

(Then bugnot pawis na ko sa pila. Tapos iniisip ko need talaga ng anak niya ng money kaya mag papadala siya.)

Me: Nag aaral po anak niyo?

Nanay: Oo

Me: Ahh allowance po niya tong 2,500? (2,500 kasi yung ipapadala niya)

Nanay: Hindi pang anniversary daw nila nung boyfriend nya di na daw niya ko tatawagan pag di daw ako gumawa ng paraan para mapadala sa kanya tong pera.


Me: (Tumahimik lang ako kasi nakakabadtrip napa mura na lang ako sa isip)

Nanay: Ano ba yung anniversary?

(Mukang wala talagang alam si nanay ultimo mag basa ganon)

Me: Nay yung anniversary po yun yung kung kailan niya sinagot yung boyfriend niya tas mag didiwang po sila mag papakasaya po sila gamit po tong pera na pinag pawisan niyo.

Nanay: Ganon ba yon.

Me: Ano nay ipapadala pa po ba nyo? Baka kasi mas kailangan niyo to.

Nanay: Oo baka kasi itakwil ako ng anak ko baka di na niya ko tawagan.

Me: Sige po kayo po bahala.

Ayoko kontrahin kasi alam kong wala naman akong rights na mangialam kasi usapan nilang mag nanay iyon.

Sa haba ng kwentuhan namin kami na next, then ayun napadala na namin. Tapos palabas na kmi kung saan kami nag padala. Grabe yung pasasalamat ni nanay sakin habang nag kukwentuhan laging may salamat. Tapos last na sabi niya sakin bago kami mag hiwalay . Salamat ulit ha matutuwa anak ko neto. Then nag paalam na din ako sige po ingat po kayo.

Shout Out po sa may mga girlfriend at boyfriend dyan. Sana kung mag jojowa kayo sana naman yung pang date niyo di niyo na hinihingi sa mga magulang niyo di ganon kadali kumita pera lalo nat' yung estado ng buhay niyo di naman ganon ka asenso. MAG IPON KA! GUSTO MO PALA NG DATE! MAG TRABAHO KA HABANG NAG AARAL PARA MAY PANG BIGAY KA JAN SA JOWA MO! HINDI NA KASI OBLIGASYON NG PARENTS YUN EI. OBLIGASYON LANG NILA YUN AY ANG PAG ARALIN TAYO.😪


PS: Kay Ate girl nakita kita sa facebook pero ayoko naman ichat ka as what I've said I don't have any rights ...Tinanong ko si Nanay kung ikaw ba yun "Oo yan yung anak ko" you looks like social climber.. Nabubuhay ka sa ganyang environment habang yung nanay mo nag kukumahog mag trabaho para sa PANG ANNIVERSARY NIYO NG JOWA MO!!!😏 Sana ma realized mo yang ginagawa mo ikaw pa talaga mag sasabi na di na siya tatawagan pag di nag padala."

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Facebook

No comments:

Post a Comment