Breaking

Tuesday, April 30, 2019

Davao City Nagbigay ng Libreng Pasyal sa Araw ng Palarong Pambansa

Photo credits to the owner
Kada taon inilulunsad ng Department of Education o DepEd ang "Palarong Pambansa" kung saan ang mga kabataan na nagmumula sa iba't-ibang rehiyon ng basang Pilipinas ay nagtutunggali at ipinapakita ang kanilang galing sa napiling isport.

Para sa taong ito ang napiling lugar para pagdausan nito ay sa Davao kung saan sinimulan noong linggo ang seremonyas at kasunod nito ang paganunsiyo na talaga namang ikinatuea ng mga atletang kabataan.



President Rodrigo Roa Duterte delivers his speech during the opening ceremony of the 2019 Palarong Pambansa at the Davao City-UP Sports Complex. Credits to MindaNews

Ayon kay City Tourism Operations Office (CTOO) Chief Gene Rose Tecson ang Davao City ay magbibigay ng libreng tour para sa mga opisyal ng iba't ibang delegasyon. 

Dagdag pa nito hahatiin sa dalawang pangkat ang mga kalahok na opisyal at yung mahahanay sa "tour A" kanilang mabibisita ang San Pedro Square, the Tribal Village at ang people's park.

Sa "tour B" naman masisilayan ang bahay ng ating Pangulo, kanila ding makikita ang Shrine Hills at People's Park, ang libreng tour na ito ay ipagkakaloob hanggang May 3.

President Duterte house in Davao City
Para sa mga Dabawenyo isa nanaman itong magandang oportunidad upang lalo pang mapromote ang kanilang lugar bilang isang tourist destination. 

Samantala ang palarong pambansa ay patuloy na magaganap hanggang at matatapos ng May 5.

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Davaocity.gov.ph

No comments:

Post a Comment