Breaking

Saturday, May 4, 2019

Grab Philippines Update: Yes to Cancellation at No Show Fee

Photo credits to Summit Express
Simula ng magkaroon ng Grab sa Pilipinas halos lahat na ata ng mga pasaherong pinoy na ayaw ng hussle ay to na ang kanilang pinipiling opsiyon para makarating sa kanikanilang destinasyon.

Ngunit kung minsan mayroon tayong mga pangyayari na hindi natin maiwasan at kailangan natin mas unahin ito kaya nman kung minsan na pipilitan ang mga pasahero na kanselahin ang kanilang bookings.

Kaya naman napagisipan ng Grab Philippines na magpatupad na ng 50 pesos cancellation fee sa mga bookings na ikakansela limang minuto matapos makapagbook ng sasakyan at sa mga pasahero na nagbook pero wala naman sa pick-up points na kanilang nilagay.



Photo credits to Romeo Ranoco / MANILA BULLETIN
Ayon sa Grab Philippines gagawin nila ito para sa isang kampanya ng pagiging responsableng pasahero at driver. Ang balitang ito ay kanila ng inanunsiyo sa publiko at binigyang diin na hindi lang pasahero ang magkakaroon ng penalty kung di maging ang kanilang mga drivers lalo na kung ang rason ng kanilang kanselasyon ay hindi naman makatwiran.

“Grab is mindful that cancellations are frustrating for both the passengers and our drivers. At the same time, we are cognizant of the fact that sometimes, cancellations are necessary during special situations,” Ayon kay Brian Cu President ng Grab Philippines.



Dadag pa ni Cu ang pagkakansela ng booking ay isa sa mga dahlan kung bakit bumababa ang kalidad ng mga transport network vehicle service o mas kilalang TNVS. Nabibilang dito ang mga pasahero na nagkakansela ng booking ng wala namang dahilan at mga driver na nagkakansela dahil sa destinasyon na kanilang pupuntahan.

Photo credits to the owner
Ito ang mga sumusunod na inisyatiba at mga patakaran para hindi magkansela ng booking ang mga pasahero at driver.

Para sa mga drivers:
1. Completion rate – drivers are penalized if they go below the required completion rate. It is computed based on completed bookings, cancellation rates and ignored jobs.
2. Driver Timeout – if a driver excessively ignores or cancels booking requests, they are locked out of the platform for a temporary period of time.
3. Ratings and Complaints Analysis – drivers with passenger complaints and low star ratings are also flagged. Grab gives out warnings, and suspends or eventually bans drivers over repeat offenses.
4. 5-Star Driver Tipping Feature – for drivers who go above and beyond, a new tipping feature allowing passengers to reward the drivers with 5-star rating has been rolled out.



Para sa mga Pasahero:
1. 30 GrabRewards Points – when a driver cancels on a ride, the passenger automatically gets 30 GrabRewards points, which he or she can use to redeem items or vouchers in the GrabRewards catalog.
2. Passenger Timeout – after excessive cancellations, the passenger’s account will temporarily be suspended for 24 hours.
3. Cancellation Fees – P50 fee will apply to passengers who cancel the ride after 5 minutes of getting assigned a driver.
4. No-show Fees – P50 fee will apply if a passenger doesn’t show up at the pick-up point within 5 minutes for GrabCar and 3 minutes for GrabShare upon the driver’s arrival.

Ayon pa sa Grab yung mga cancellation fee na makokolekta galing sa mga pasahero ay mapupunta sa mga drivers upang maging pandadag ito sa kanilang gas at sa effort na kanilang ginugol para lamang makarating sa pick-up point na itinalaga ng pasahero.

Photo credits to owner


Magiging patas din naman ang pagbibigay ng penalty, dahil may mga sitwasyon na ang driver ay hindi naman gumagalaw para pumunta sa pick-up point ng pasahero o kaya ay patungo sa maling destinasyon.

Hindi din mapapatawan ng multa kapag ang driver ay dumating ng lagpas labing limang minuto sa expected time of arrival o kaya naman kapag inilagay ng driver na dumating siya sa pick-up point ngunit wala naman doon yung pasahero.

At kung magkamali man daw ng pagbigay ng multa ang TNC sinisiguro nila na ito ay marerefund naman sa loob ng 48 hours at dapat ito ay naireport din sa kanilang help center.

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Manila Bulletin

No comments:

Post a Comment