Breaking

Wednesday, May 1, 2019

Trending: Isang Babae Ipinagdiwang ang Ika-4 na Taong Anibersayo ng Pagpapakasal sa Sarili

Credits to the owner
Apat na taon na ang nakalilipas ng may viral ang isang babae na nagpakasal sa kanyang sarili. Kinilala itong si Sophia Tanner, at muli nanaman siyang gumawa ng ingay sa social media para muling magbigay ng inspirasyon lalong lalo na sa mga taong single.

At sa puntong ito kanya namang ipinagdidiwang ang ika-apat na anibersaryo ng kanyal self-wedding at kasabay nito siya ang nagsulat ng isang libro tungkol sa pamumuhay at pagmamahal sa sarili.



Inihalintulad din niya ang kanyang kasala tulad ng mga karaniwang kasal na nakikita natin, nagsuot siya ng puting damit, may dalang bulaklak at siyempre hindi mawawala ang mga bisita na sumusuporta sa kanya.

Credits to the owner
Sa harap ng kanyang mga saksi, ipinangako niya ang pagmamahal, paggalang at pagsunod sa sarili kaysa sa iba. Na talaga humipo sa mga puso ng mga tao.

“Obviously it was tongue-in-cheek, but when I said my vows promising to love myself, it really was quite powerful and everybody said they had goosebumps,” ayon kay Sophia Tanner



Dagdag pa nito na nainspire daw siyang magpakasal sa sarili matapos siyang makaranas ng mga hindi magagandang pakikipag relasyon at dahil dito napagtanto niya na hindi naman niya kailangan ng ibang tao upang siya ay maging maligaya.

Credits to the owner
Ibinahagi din niya ang kanyang karanasan sa pagkakaroon ng nobyo na nauuwi sa isang hiwalayan at ng muling nangyari daw ito sa kanya sa ikatlong pagkakataon dun na nagsimula ang kanyang agam-agam sa sarili natila may kulang ba sa kanya kung kaya't lagi nalang siyang nasasaktan.

Bigla nalang niyang napagtano isang araw na mahal pala niya ang kanyang sarili at ang kanyang buhay na dapat magpasalamat din siya.



Sinabi rin niya na ang Romantikong pagmamahal ay pinag-uusapan, ngunit walang tunay na nagsasalita tungkol sa pag-ibig sa sarili o pagmamahal sa sarili.

Paliwanag pa niya sa pagiging single hindi mo kailangan magalala dahil mayroon at mayroon ka padin naman malalapitan na tao.

Credits to the owner
Sa ngayon open padin naman daw siya sa pakikipagdate ngunit papasok lang siya muli sa pakikipagrelasyon kung naramdaman niyang ito na nga ang kukumpleto ng kanyang buhay.

Lahat naman tayo ay naghahanap ng Mr and Ms right ngunit hindi naman natin kailangan magmadali dahil mayroon at mayroong darating na tamang tao para sayo.

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often. 

Thanks for dropping by and reading this post.

Daily Pilipinas Source: Virtual Pinoy

No comments:

Post a Comment